Tuesday, September 2, 2014

BUWAN NG WIKA


Wikang Filipino: Wika ng Pagkakaisa

                  Agosto, nakatakdang buwan para sa taon-taon na paggunita sa napakahalagang selebrasyon sa buong Pilipinas, ang buwan ng wika. At ang tema para sa taong 2014 ay, "Wikang Filipino: Wika ng Pagkakaisa".

                  Ang wika ay napakahalaga sa atin. Lalo na ang wikang filipino. Ang wikang filipino na siyang sumisimbolo sa bawat mamamayang Pilipino. Kung ano sila, kung anong kultura mayroon sila at kung ano meron sa kanila. Wikang Filipino rin ang siyang ginamit ng ating mga magigiting na mga bayani para sa pagkamit ng ating kalayaan laban sa mga dayuhang umapi sa atin. Ito ang nagsilbing panangga at sandata nila laban sa mga mapang-aping dayuhan. Ang bawat Pilipino'y nagkaisa para sa pagkamit ng ating kalayaan. Ang temang "Wikang Filipino: Wika ng Pagkakaisa", ay nagpapaalala sa ating mga Pilipino na gamitin ang ating sariling wika at magkaisa. Magkaisa laban sa mga problema, para sa sakuna at magkaisa para sa 
ika-uunlad ng ating bansang Pilipinas. Wikang siya'ng ginamit noon sa pagkamit ng kalayaan, ngayo'y ating gagamitin para sa kaunlaran. Pag-unlad na matagal na nating minimithi ng bawat Pilipino. Ikanga, Wika natin ang daang matuwid.

                  Wikang Filipino'y napaka-importante. Ito'y ating gamitin at higit sa lahat ito'y ating bigyan ng halaga. Dahil ang wikang ito ang siya'ng ating gagamiting sandata't panangga para sa ika-uunlad ng ating bansang Pilipinas. Wikang Filipino: Wika ng Pagkakaisa.